33 sunog naitala ng Bureau of Fire sa MM sa pananalasa ni ‘Glenda’
MANILA, Philippines - Nakapagtala ang kagawaran ng Bureau of Fire Protection (BFP) ng 33 insidente ng sunog simula at matapos ang pananalasa ng bagyong Glenda.
Sa ulat na isinumite sa BFP national headquarters, sinabi ni Senior Supt. Sergio Soriano, Metro Fire director, sa naturang kalamidad, inilagay sa hightened alert ang buong kagawaran para sa pagresponde sa nagaganap na sunog.
Sa 33 insidente ng sunog na naganap nitong July 15 at 16, ang District III o southern part ng Metro Manila ang nakapagtala ng may mataas na insidente na may bilang na siyam (Pasay City, 3; Makati City, 3; Parañaque, 2 at Las Piñas, 1).
Sumunod dito ang District II na nagtala ng walong sunog (Caloocan City, 2; Navotas, 2; at Valenzuela, 4).
Ang eastern part o District IV naman ay pito (Marikina City, 3; Pasig,1; Taguig, 1; Mandaluyong, 2; at San Juan, 1).
Habang ang District 1 o Manila area ay may lima habang ang District V o Quezon City area ay apat.
Ang bagyong Glenda na umalis na dumaan sa Metro Manila matapos na mag landfall palabas ng Zambales, ay naglagay sa National Capital Region sa ilalim ng signal number 2.
Ayon sa BFP-NCR pinakalat niya ang kanyang tauhan para makisapi sa ibang government agencies para sa pagsasagawa ng clearing operations matapos tumulong sa rescue operations sa mga binahang lugar sanhi ng bagyong Glenda.
- Latest