^

Bansa

Nasawi kay ‘Glenda’ 50 na

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Umaabot na sa 50 katao ang naitalang nasawi, 17 ang nasugatan at apat  pa ang nawawala habang mahigit 1-milyon ang naapektuhan sa pananalasa ng bagyong Glenda sa Region I, III, IV-A, IV-B, V, VIII at  Natio­nal Capital Region (NCR).

Sa pinagsamang ulat kahapon ng PNP, Office of Civil Defense Region IV-A at National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), kabilang sa mga nasawi ay ang fire volunteer na si Jomark Diaz ng Pasig City.

Kasama rin sa mga huling naitalang nasawi ay si Mario Moral, 56 anyos, kapitan ng lumubog na Fishing Boat FB Hanah Shane, residente ng Brgy. 6 Julugan, Tanza, Cavite habang dalawa pa nitong kasamahan ang nawawala at 3 naman ang nailigtas ng Philippine Navy Seal sa Sangley Point, Cavite.

Nadagdag din sa talaan ng mga nasawi ay sina Pacita Jagine,  42, ng Sto. Tomas, Pampanga na na-stroke matapos matanggalan ng bubong ang tahanan at Felipe  Royo, 56 ng Janiuay, Iloilo na unang napaulat na nawawala.

Sa ulat, pininakamaraming naitalang nasawi ay sa CALABARZON na umaabot sa 33 katao, 2 sa National Capital Region (NCR), 4 sa Region III, 5 sa Region IV-B,  4 sa Region V,  2 sa Region VIII  at isa naman sa Iloilo.

Karamihan sa mga namatay  ay nabagsakan ng puno, pader at poste habang ilan naman ang nalunod sa baha.

Nasa 17 katao  ang naitalang sugatan habang 4  pa ang nawawala at patuloy na pinagha­hanap. Kabilang sa mga nawawala ay nakilalang sina Eliseo Perez at Angel­ Tungaya ng Padre Burgos, Quezon; Angelo Capunpon  ng Batangas at George Camillo ng Boac, Marinduque.  

 

ANGELO CAPUNPON

CAPITAL REGION

CAVITE

ELISEO PEREZ

FISHING BOAT

GEORGE CAMILLO

HANAH SHANE

REGION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with