^

Bansa

38 na patay kay 'Glenda'

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Umabot na sa 38 katao ang nasawi sa hagupit ng bagyong “Glenda,” ayon sa state disaster response agency ngayong Huwebes.

Sinabi ni National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) executive director Alexander Pama na 22 sa mga nasawi ay mula sa Calamba, Laguna, Batangas, Rizal, at Quezon (CALABARZON).

Lima naman ang nasawi mula sa Mimarop, apat sa Bicol region, tatlo sa Central Luzon at tig-dalawa sa Metro Manila at Eastern Visayas.

"We will try to find out what exactly is the reason why some of our countrymen still refuse to heed these (typhoon) warnings," wika ni Pama.

Samantala, walong katao pa ang pinaghahahanap ng NDRRMC matapos manalasa ang pampitong bagyo ngayong 2014 kahapon.

Hindi bababa sa 192,000 pamilya o higit isang milyong katao ang naapektuhan ni Glenda, kung saan umabot sa P45 milyon at P68 milyon ang halaga ng pinasala sa impastraktura at agrikultura.
 

ALEXANDER PAMA

BATANGAS

BICOL

CALAMBA

CENTRAL LUZON

EASTERN VISAYAS

GLENDA

HUWEBES

METRO MANILA

NATIONAL DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT COUNCIL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with