'Glenda' lalabas ng bansa bukas
MANILA, Philippines - Matapos manalasa sa Bicol region at sa ilang bahagi ng Luzon, kabilang ang Metro Manila, gumagalaw na palabas ng Philippine Area of Responsibility ang bagyong "Glenda."
Huling namataan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang bagyo sa 35 kilometro timog-silangan ng Subic, Zambales kaninang alas-10 ng umaga.
Bahagyang humina ang bagyo na may lakas na 140 kilometers per hour at bugsong aabot sa 170 kph, habang gumagalae pa hilaga-kanluran sa bilis na 25 kph.
Nakataas pa rin ang public storm warning signals sa mga sumusunod na lugar:
Signal number 3
?Zambales?
Tarlac?
Pampanga?
?Bataan?
?Bulacan?
?Rizal?
?Cavite?
??Lubang Island?
??Pangasinan?
??Metro Manila?
Signal Number 2
La Union?
?Benguet?
?Nueva Vizcaya?
?Nueva Ecija?
?Southern Aurora?
?Quezon?
?Laguna?
?Batangas?
Northern parts of ??Oriental Mindoro? and ??Occidental Mindoro?
Signal Number 1
?Ilocos Sur?
?Mountain Province?
?Ifugao?
?Quirino?
Rest of ??Aurora?
?Camarines Norte?
?Marinduque?
Rest of Oriental Mindoro and Occidental Mindoro
Calamian Group of Islands
Samantala, tatlong katao na ang naiulat na nasawi, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council.
Pawang mga taga-Batangas at Northern Samar ang mga biktima, dagdag ng NDRRMC.
- Latest