^

Bansa

Banana plantation inatake, 1 bandido patay

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang isang miyembro ng mga pinaghihinalaang bandido  na umatake  sa  isang banana plantation makaraang makasagupa ng mga nagres­pondeng tropa ng militar sa Tulunan, North Cotabato kamakalawa.

Gayunman, ayon kay AFP –Eastern Mindanao Command (AFP-Eastern Min­danao) Spokesman Captain Alberto Caber, kasalukuyan pang ina­alam ang pagkakakilanlan sa napaslang na biktima.

Sinabi ni Caber, naganap ang bakbakan may ilang metro ang layo mula sa Delinas Banana Plantation sa Sitio Pedtad, Brgy. Dugos, Tulunan, North Cotabato bandang alas-10:30 ng uma­ga.

Bago ang bakbakan ay sinalakay ng mga armadong grupo sa pamumuno ni Sukarno Sultan at Lingguna Sultan ang nasabing banana plantation at sinunog ang dalawang backhoe, isang Boom truck spray at dalawang diesel engines.

Matapos ang insidente ay mabilis na nagsitakas ang mga bandido na nakasagupa ng mga nagrespondeng ele­mento ng Army’s 39th Infantry Battalion at ng mga miyembro ng lokal na pulisya.

Ang bakbakan ay nagresulta sa pagkamatay ng isang bandido na inabandona ng mga nagsitakas nitong mga kasamahan.

Nabatid na ang P659 M Delinas Development Corporation ay subsidiary ng Del Monte Fresh Produce Philippines Inc.  Samantalang tinataya namang aabot sa P30 milyon ang pinsala sa pag-atake ng mga bandido.

Iniimbestigahan naman ang anggulo ng ekstorsyon sa posibleng motibo ng nasabing pag-atake.

DEL MONTE FRESH PRODUCE PHILIPPINES INC

DELINAS BANANA PLANTATION

EASTERN MIN

EASTERN MINDANAO COMMAND

INFANTRY BATTALION

LINGGUNA SULTAN

M DELINAS DEVELOPMENT CORPORATION

NORTH COTABATO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with