^

Bansa

Hudikatura muling binira ni PNoy

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Muling binira at ipinahiya ng Pangulong Benigno Aquino III ang Korte Suprema sa harap ng World Bank official at business community kahapon.

Sa ginanap na Daylight Dialogue sa Malacañang, inulit ng Pangulong Aquino ang pagkuwestiyon sa desisyon ng SC at kanyang babala sa banggaang Ehekutibo at Hudikatura.

Ayon sa Pangulo, nakakahiya ang ruling ng SC at malaking dagok ito sa umuusbong na ekonomiya ng bansa na sinimulan sa pagpapatupad ng mga programa at proyekto gamit ang mekanismo ng DAP.

Aniya, maaaring magbunga ito sa ‘state of paralysis’ at maantala ang galaw sa burukrasya dahil sa pagdedeklara ng SC na unconstitutional ang ilang parte ng DAP.

Inihayag ng Pangulong Aquino na kinukuwestiyon ang kanilang hakbang dahil sa pagiging transparent sa mga proyekto.

Tiniyak nitong magsasagawa ng imbestigasyon ang Commission on Audit at mananagot ang nag­lustay ng pondo sa Disbursement Acceleration Program  habang magsasampa naman ng motion for reconsideration ang gobyerno sa SC kaugnay sa naging desisyon nito,  kahit 13-0-1 ang naging botohan tungkol sa DAP.

Pero nilinaw ng Pangulong Aquino na wala itong sama ng loob sa Korte Suprema.

ANIYA

AYON

DAYLIGHT DIALOGUE

DISBURSEMENT ACCELERATION PROGRAM

KORTE SUPREMA

PANGULONG AQUINO

PANGULONG BENIGNO AQUINO

WORLD BANK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with