^

Bansa

MR ni Napoles ibinasura ng CA

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ibinasura ng Court of Appeals (CA) ang Motion for Reconsideration (MR) ng tinaguriang “pork barrel” queen na si   Janet Lim Napoles na humihiling na ibasura ang kasong illegal detention na isinampa laban sa kanya  ng  whistleblower na si  Benhur Luy.

Sa dalawang pahinang resolution ni Associate Justice Ramon Garcia, walang nakitang merito sa apela ni Napoles at wala ring bagong argumento para baligtarin ang naunang desisyon ng korte.

Sa nasabing desisyon, walang pag-abuso sa pagpapalabas ni Makati Regional Trial Court (RTC) Branch 150 Judge Elmo Alameda ng warrant of arrest laban sa umano’y utak ng pork barrel scam.

Nag-ugat ang kaso laban kay Napoles sa umano’y tatlong buwang pagditine sa dati niyang tauhan at ngayo’y pork barrel scam whistleblower na si Benhur Luy mula Disyembre 2012 hanggang Marso 2013.

 

ASSOCIATE JUSTICE RAMON GARCIA

BENHUR LUY

COURT OF APPEALS

DISYEMBRE

IBINASURA

JANET LIM NAPOLES

JUDGE ELMO ALAMEDA

MAKATI REGIONAL TRIAL COURT

MARSO

NAPOLES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with