^

Bansa

Suporta sa Servando Act hingi

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hiniling ni Valenzuela City Rep. Sherwin Gatchalian ang suporta ng taumbayan para mabilis na isabatas ang kanyang Servando Act na magpapataw ng mas mabigat na parusa sa patuloy na lalabag sa anti-hazing law.

Layon ng House Bill 4714 o Servando Act na palitan ang Republic Act 8049 na mas kilala sa tawag Anti-Hazing Law of 1995 dahil hindi naman talaga ipinagbawal ang hazing sa batas na ito kundi isinailalim lang sa regulasyon.

Ipinangalan ni Gatchalian ang kanyang bill kay Guillo Cesar Servando, ang estudyante ng De La Salle-College of Saint Benilde na namatay dahil sa hazing sa kamay ng mga miyembro ng Tau Gamma Phi Fraternity.

Nakasaad din sa HB 4714 ang pangangaila­ngan ng legalisasyon at akreditasyon ng mga fraternities at sororities sa mga colleges at universities para mas mamonitor ang aktibidades ng mga naturang organisasyon.

Malaki ang paniwala ni Gatchalian na kung ligal ang mga fraternities ay magkakaroon ang mga administrador ng kopya ng constitution and by-laws ng mga ito at maging ang listahan ng mga officers and members ng frats sa gayon ay mas madali para sa school administrators na kilalanin ang mga mi­yembro nito.

Binigyang-diin ni Gat­chalian na hindi fraternities at sororities ang problema kundi ang paggamit ng hazing sa initiation rites bilang welcome sa mga bagong miyembro o neophytes.

Sa ilalim ng Servando Act, magiging accountable o responsable ang mga eskwelahan sa mga fraternities at mga aktibidades nito dahil sila ang magsisilbing regulatory body ng mga nasabing organi­sasyon.

vuukle comment

ANTI-HAZING LAW

DE LA SALLE-COLLEGE OF SAINT BENILDE

GATCHALIAN

GUILLO CESAR SERVANDO

HOUSE BILL

REPUBLIC ACT

SERVANDO ACT

SHERWIN GATCHALIAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with