^

Bansa

Mga Pinoy sa Gaza Strip pinalilikas

Ellen Fernando - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinalilikas na ang mga Pinoy sa Gaza Strip matapos na ideklara kahapon ng Department of Foreign Affairs ang crisis alert level 3 dahil sa tumataas na banta ng seguridad bunsod ng sagupaan ng tropa ng Israel at Hamas militants doon.

Sa nasabing alerto, hinimok ang mga Pinoy na umalis sa Gaza at sunggaban ang alok na voluntary repatriation program kung saan aakuin ng pamahalaan ang gastusin sa kanilang pag-uwi.

Ipinagbabawal naman ang mga overseas Filipino workers na tumungo at magtrabaho sa Gaza habang umiiral ang nasabing alerto.

Ang alert level 1 o precautionary phase ay nananatili naman sa West bank at sa southern at central Israel.

Pinapayuhan ang mga Pinoy na mag-ingat at maging mapagmatyag habang patuloy naman ang DFA sa pagmonitor sa kaganapan sa Gitnang Silangan.

 

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

GAZA

GAZA STRIP

GITNANG SILANGAN

HAMAS

IPINAGBABAWAL

PINALILIKAS

PINAPAYUHAN

PINOY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with