Smuggled goods sa Customs reding ipuslit
MANILA, Philippines - Hindi dapat matulog ang mga tauhan ng Bureau of Customs dahil sangkaterbang smuggled goods ang nakaporma para ipuslit papalabas ng pier kapalit ng malaking halaga ng salapi anumang oras mula ngayon.
Sinabi ng informant, hindi lang imported na mga bawang ang nakalaylay sa mga puerto sa Manila kundi pati mga ukay-ukay ay isasalya rin kabilang pa rito ang mga general merchandise galing China na minali ang deklarasyon para hindi magbayad ng tamang buwis.
Ayon sa source, hanggang sa sinusulat ang balitang ito hindi pa nagpa-file ng ‘entry’ ang mga broker na ginamit ng mga smuggler dahil naghihintay sila ng tamang timing para ipuslit ito papalabas ng puerto.
Sinabi ng source, inumpisahan ng hatawin ang mga imported na mga bawang na hanggang ngayon ay walang pang ‘entry’ na ipina-file ang consignee dahil karamihan sa mga ito ay pinasok sa puerto ng walang import permit mula sa tanggapan ng Bureau of Plants and Industry (BPI).
Bilyon piso umano ang halaga ng mga container na may lamang smuggled goods sa bureau at anuman oras mula ngayon ay maglalaho itong parang bula dahil naka-ready ang mga magnanakaw sa mga shipment.
Sabi ng source, ready na ang mga bugok sa Customs dahil sila ang umaaktong teacher, para magturo ng gagawin sa dokumento, lawyer para mag-abogado kung ano man ang problema at doctor na gagamot sa palpak na dokumento para makaiwas ng malaki sa pagbabayad ng taxes and duties.
- Latest