AFP chief nag-iimpake na
MANILA, Philippines - Nag-iimpake na si outgoing Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Gen. Emmanuel Bautista na nakatakdang bumaba sa puwesto sa Hulyo 18.
Si Bautista na produkto ng Philippine Military Academy (PMA) Class 1981 ay ikaapat na Chief of Staff sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Aquino.
Ayon sa mga opisyal na malapit kay Bautista, matapos maging abala sa ‘exit call’ sa mga himpilan ng militar na dati niyang pinagsilbihan ay abala naman ang heneral at pamilya nito sa pag-iimpake.
Si Bautista ay nakatakdang bumaba sa puwesto sa darating na Biyernes o 2 araw bago ang kaniyang ika-56 kaarawan, ang compulsory age retirement sa AFP.
Kabilang naman sa mga contenders bilang successor ni Bautista sina AFP Vice Chief of Staff Lt. Gen. Gregorio Pio Catapang; Philippine Air Force (PAF) Chief Lt. Gen. Jeffrey Delgado; Philippine Army Chief Lt. Gen. Hernando Iriberri at Vice Admiral Jesus Millan, Flag Officer in Command ng Philippine Navy.
Ayon sa mga sources sa Defense at military establishment, kung masusunod ang tinaguriang “The Promise” ay si Catapang na dating hepe ng AFP Northern Luzon Command at dating may kontrol sa balwarte ng mga Aquino sa Tarlac ang hihiranging Chief of Staff. Pero kung ang manok naman ng presidential sisters ay si Delgado ang uupong Chief of Staff .
Samantalang si Iriberri naman na kilalang malapit at isa rin sa pambato ng Philipppine Army ang siya naman umanong minamanok ni Defense Sec. Voltaire Gazmin.
- Latest