Rotating brownout naranasan
MANILA, Philippines - Dumanas ng rotating brownout kahapon ang ilang bahagi ng Metro Manila at mga karatig-lalawigan.
Ayon sa Manila Electric Company (Meralco), power supply deficiency ang dahilan ng rotating brownout dahil sa maintenance ng Ilijan Power Plant sa Batangas.
Kabilang sa mga lugar na naapektuhan ng rotating brownout sa Metro Manila ay Manila, Marikina, Muntinlupa, Pasay, Navotas, Makati, Parañaque, Las Piñas, Mandaluyong, San Juan, Pasay, Pasig, Marikina, Pateros, Taguig, at Quezon City.
Kabilang din ang Cavite, pati ang Tagaytay, Batangas, Laguna, Rizal kabilang ang Taytay at Antipolo; Bulacan at Quezon.
Sinabi ni Meralco customer assistance coordinator Len Nazario na ang rotating brownouts ay nagsimula ng alas-10:00 ng umaga.
Inaasahan naman ng Department of Energy na maibabalik ang operasyon bago mag-alas-10:00 ngayong umaga ng Linggo dahil dalawang araw lamang ang pagsasaayos sa mga linya ng Ilijan Power Plant para mapataas ang power supply sa Luzon.
Ayon kay Enery Sec. Jericho Petilla itinaon nila ang rolling blackout ngayong weekend para kaunti lamang ang maapektuhan.
Sinabi pa ni Petilla sinimulan nila kahapon ng madaling araw ang pag-aayos ng pipeline ng nasabing power plant na nagdulot ng kawalan ng 1,200 megawatts sa supply.
Bukod pa rito ang Masinloc power plant at GNpower na naka-schedule rin para sa pagmamantina.
Sinabi ng DOE, nagsimula ang brownout kahapon alas-7:00 ng umaga at tatagal ito hanggang alas-10:00 ng umaga o hanggang alas-3:00 ng hapon at babalik din ulit ito sa normal na operasyon.
- Latest