Bagong bagyo nagbabanta
MANILA, Philippines - Isa na namang bagyo ang nabuo sa Dagat Pasipiko at nagbabantang pumasok sa Philippine area of responsibility (PAR).
Ayon sa PAGASA, ang bagong bagyo ay nabuo malapit sa bisinidad ng Guam at inaasahan na sa araw ng Lunes ay papasok ito sa PAR.
Gayunman, tulad ng nagdaang bagyong Florita, mababa ang posibilidad na tumama ang bagyo sa bansa o mag-landfall sa Pilipinas dahil gigilid lamang ito at tutungo sa Japan.
Pero ayon sa Pagasa, malayo pa ang naturang bagyo at may posibilidad pang magbago ang kanyang direksyon sa mga susunod na araw.
Samantala, patuloy namang nakakaranas ng mga pag-uulan ang Mindanao dulot ng umiiral na inter-tropical convergence zone (ITCZ) o ang pagsasalubungan ng hangin mula sa magkaibang direksyon na siyang nagdadala ng mga kaulapan na nagdudulot ng ulan.
Maulap ang kalangitan sa Luzon laluna sa Palawan at Mindoro gayundin sa Metro Manila na may paminsan minsang pag-ulan dulot ng epekto ng habagat.
- Latest