^

Bansa

Pang-aabuso vs Korean traders kinondena

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Umaapela ang United Korean Community Association in the Philippines (UKCAP) sa  administrasyong Aquino na busisiin ang  umano’y panggigipit at pamba-blackmail ng ilang Koreano sa kanilang kapwa Koreanong negosyante.

Sa liham ng grupo kay Immigration Commissioner Siegfred B. Mison, sinabi ni  UKCAP chairman Lee Young Baek, na dapat lamang umanong imbestigahan ng mga awtoridad ang ginawang pang-aabuso kay Kang Tae Sik ng kanyang dating legal counsel.

Ayon kay Lee, hindi umano malayong mangyari din sa iba pang mga Korean businessmen ang sinapit ni Kang dahil na rin sa kawalang aksiyon ng mga awtoridad sa reklamo.

Lumilitaw na nagpalabas ng resolution ang  BI board of commissioners noong Hunyo 26 kung saan pinade-deport si Kang dahil na rin sa kanyang conviction. Kinasuhan si Kang   ng bouncing sa Manila Regional Trial court subalit nadismis.

Nabatid na si Kang 27 taon ng nagnenegosyo  sa bansa at tumtulong din sa mga biktima ng bagyong Ondoy at Yolanda.

AQUINO

AYON

HUNYO

IMMIGRATION COMMISSIONER SIEGFRED B

KANG TAE SIK

KINASUHAN

KOREANO

LEE YOUNG BAEK

MANILA REGIONAL TRIAL

UNITED KOREAN COMMUNITY ASSOCIATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with