^

Bansa

Taas pasahe sa LRT, MRT wala pang petsa

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hindi pa tiyak kung kailan magtataas ng pasahe sa Light Rail Transit (LRT) at Metro Rail Transit (MRT).

Ayon sa Department of Transportation and Communications (DOTC), hindi pa sila nagtatakda ng petsa kaugnay sa implementasyon ng P11 + 1 fare increase para sa LRT-1, LRT-2 at MRT-3.

Taong 2010 pa nang magpahayag ng plano ang Light Rail Transit Authority at MRT-3 na itaas ang pasahe sa mga naturang linya ng tren ngunit hanggang ngayon ay hindi pa ito naipatutupad.

Sinabi naman ng DOTC na ang panukalang taas-pasahe ay sumailalim na sa dalawang public consultations.

Nauna rito, inihayag ng aktibistang grupong Bagong Alyansang Makabayan na maaaring sa Agosto ay magtaas na ng pasahe ang LRT.

Taong 2003 nang huling magtaas ng pasahe ang LRT. Ang LRT-1 ang nag-uugnay sa Baclaran, Parañaque sa Roosevelt, Quezon City habang ang LRT Line 2 naman ang nagdudugtong sa Santolan sa Pasig City at C.M. Recto St. sa Maynila.

BAGONG ALYANSANG MAKABAYAN

DEPARTMENT OF TRANSPORTATION AND COMMUNICATIONS

LIGHT RAIL TRANSIT

LIGHT RAIL TRANSIT AUTHORITY

LRT

METRO RAIL TRANSIT

PASIG CITY

QUEZON CITY

RECTO ST.

TAONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with