Mga Pinoy sa Afghanistan pinalilikas!
MANILA, Philippines - Dahil sa matinding kaguluhan sa Afghanistan, idineklara kahapon ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang crisis alert level 3 upang matiyak ang kaligtasan at seguridad ng mga Pinoy sa nasabing bansa.
Sa statement ng DFA, ipinatutupad na ang voluntary evacuation para sa mga Pinoy sa Afghanistan dahil sa paglala ng tensyon doon matapos ang pagdadaos ng presidential elections noong Hunyo 14.
Sa ilalim ng nasabing alerto, hinihimok ang mga Pinoy na boluntaryong lumikas at umuwi sa Pilipinas.
Pinatutupad din ng gobyerno ang total ban sa deployment o pagpapadala ng mga overseas Filipino workers sa nasabing bansa.
Patuloy na naka-monitor ang DFA sa political at security developments sa Afghanistan.
- Latest