Ex-solon, 7 pa kinasuhan sa PDAF
MANILA, Philippines - Kinasuhan ng tanggapan ng Ombudsman sa Sandiganbayan ng apat na criminal informations si dating Cebu 4th District Rep. Clavel Martinez at pitong iba pa kaugnay ng pork barrel scam.
Dalawang counts ng Malversation of Public Funds (Article 217, Revised Penal Code) at dalawang counts ng paglabag sa Republic Act No. 3019 (Anti-Graft and Corrupt Practices Act) na may kinalaman sa maling paggasta sa P15 milyong halaga ng Priority Development Assistance Fund (PDAF) ang isinampa sa mga akusado.
Ayon kay Ombudsman Conchita Carpio Morales, nakakita siya ng probable cause para maidiin sa naturang mga kaso sina Martinez, da ting Bogo Cebu Mayor Celestino Martinez III, dating Municipal Treasurer Rhett Minguez, Municipal Accountant Cresencio Verdida ng Bogo, Cebu.
Kasama din sa kinasuhan sina executive director Alejandrita Meca, treasurer Paz Radaza, cashier-designate Julieta Quiño at bookeeper Rhodariza Kilantang, pawang mula sa Girl Scouts of the Philippines.
Sa record, noong November 19, 2001, ang Sangguniang Panlalawigan ng Cebu ay nagpasa ng resolution No. 2643-2001 na nagsasama sa Boy Scouts at the Girl Scouts of the Philippines-Cebu Council sa kanilang programa para sa pagpapatupad ng anti-drug campaign na popondohan ng 2002 PDAF allocation ni Rep. Martinez na noo’y Presidente ng GSP-CC mula 2000 hanggang 2003.
Ang P15M PDAF ay naipalabas noong May 13, 2002 ng Department of Budget and Management (DBM) sa ilalim ng Special Release Allotment Order.
Sinasabing ang GSP-CC at Commission on Audit (COA) habang walang kasunduan sa pagitan ng lokal na pamahalaan ng Bogo at GSP-CC ay naipalabas ang PDAF sa request ni Meca kay Mayor Martinez, anak ni Rep. Martinez.
Naideposito ng GSP-CC ang naturang halaga na binayaran ng cash at tinanggap ni Rep. Martinez.
Napatunayan din ng Ombudsman na nagsabwatan ang mga akusado para dayain ang pamahalaan.
Tanging P600,000 lamang ng P15M ang naibigay sa GSP-CC at ang natira ay napunta umano kay Rep. Martinez.
- Latest