^

Bansa

Church custody ni Napoles ayaw ng CBCP

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tumanggi ang Ca­tholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) na isailalim si Janet Lim Napoles sa pangangalaga ng Simbahan.

Paliwanag ni CBCP President at Lingayen-Dagupan Archbishop Soc Villegas, bagama’t ikina­lulugod nila ang tiwalang ibinibigay ni Napoles sa CBCP, hindi nila ma­aaring pagbigyan ang kahilingan ni  Napoles dahil mahaharap ito sa mga batas na pinaiiral ng Simbahan at ng Estado.

Ayon kay Archbishop Villegas, hindi pinapayagan ng kasalukuyang mga batas ng Simbahan ang CBCP na tumayo bilang guarantor para isang akusado sa harap ng mga civil court.

Hindi rin umano sila tiyak kung kwalipikado ang episcopal con­ference, sa ilalim ng civil law, na maging guarantor ni Napoles.

Kapag pinagbigyan din umano nila ang hiling ni Napoles, baka ito ay magsilbing precedent sa hinaharap o humingi na rin ng church custody ang ibang akusado.

Maari rin umanong ma­kompromiso ang resources ng CBCP at maapektuhan ang kanilang mga pangunahing tungkulin.

ARCHBISHOP VILLEGAS

AYON

BISHOPS CONFERENCE

JANET LIM NAPOLES

KAPAG

LINGAYEN-DAGUPAN ARCHBISHOP SOC VILLEGAS

MAARI

NAPOLES

SIMBAHAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with