Servando Act vs hazing isinulong
MANILA, Philippines - Inihain na sa Kamara ni Valenzuela Rep. Sherwin Gatchalian ang House bill 4714 o ang Servando Act na nagbabawal sa pagsasagawa ng hazing ng mga fraternities, sororities at iba pang katulad na organisasyon.
Nakasaad sa panukala ni Gatchalian na dapat ng ibasura ang Anti-Hazing Law dahil mistula lamang itong walang silbi dahil base umano sa datos simula ng maisabatas ito noong 1995 ay 15 na ang namamatay dahil sa hazing.
Papanagutin din ang mga eskwelahan dahil sa pag-o-operate ng fraternities at sororities.
Ayon sa kongresista, bagamat ang motto nito ay tungkol sa brotherhood panahon na umano para mabago ang masamang tradisyon ng hazing dahil marami ang nasasaktan at namamatay.
Ilang beses na rin silang nagkausap ni Aurelio Servando, ama ng De La Salle-St. Benilde student na si Guillo na namatay dahil sa hazing at pumayag itong gamitin ang kanilang pangalan sa panukala bilang pag- aalala na rin sa kanyang anak at hindi na muling maulit pa sa iba ang naging karanasan ng biktima.
- Latest