^

Bansa

P120-M dagdag ayuda ng Australia sa Yolanda victims

Ellen Fernando - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Muling nagdagdag ng malaking donasyon ang gob­yerno ng Australia na nagkakahalaga ng P120 milyon bilang tulong sa ginagawang rehabilitasyon sa mga biktima at nasalanta ng bagyong Yolanda sa Visayas.

Ayon sa ipinalabas na statement ng Australian Embassy sa Manila, inianunsyo ni Australian Foreign Minister Julie Bishop ang bagong assistance na ibibigay mula sa  Resilience and Preparedness towards  Inclusive Development (RAPID) program na magtuwang na ipinatutupad ng pamahalaan katuwang ang Climate Change Commission, United Nations Development Program at ang Australian government.

Ang nasabing programa ay makakatulong upang mapaganda ang land use planning, building codes, risk assessment at ang paglalagay ng early warning systems sa mga lugar na tinamaan ng bagyong Yolanda.

Ang RAPID ay inilunsad noong Hulyo 3 sa pamumuno ni Australian Foreign Affairs and Trade  Deputy Secretary Ewen McDonald na nasa Pilipinas ng nakalipas na linggo.

Bukod sa nasabing halaga, magpapadala rin ang Australian government ng anim na Australian Civilian Corps (ACC) specialists upang samahan ang dalawang Asutralian na nasa bansa na simula noong Disyembre at tumutulong sa ginagawang recovery efforts sa mga lugar na tinamaan ng nasabing bagyo.

Nauna nang naglaan ang Australia ng inisyal na P1.6 bilyon bilang direktang as­sistance pagkatapos na tumama ang bagyo at sinundan ng P1.4 bilyong halaga ng ayuda para sa recovery at rehabilitation. Nagpapatayo rin sila ng may 600 classrooms bilang kapalit sa mga pa­aralang winasak ng bagyo.

 

AUSTRALIAN CIVILIAN CORPS

AUSTRALIAN EMBASSY

AUSTRALIAN FOREIGN AFFAIRS AND TRADE

AUSTRALIAN FOREIGN MINISTER JULIE BISHOP

CLIMATE CHANGE COMMISSION

DEPUTY SECRETARY EWEN

INCLUSIVE DEVELOPMENT

RESILIENCE AND PREPAREDNESS

UNITED NATIONS DEVELOPMENT PROGRAM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with