^

Bansa

Panibagong warrant of arrest vs JPE et al, inilabas ng Sandiganbayan

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagpalabas ng panibagong warrant of arrest kahapon ang Sandiganbayan  3rd Division laban kay Senador  Juan Ponce Enrile (JPE) at 25 iba pa dahil sa kasong graft and corruption.

Ayon kay Atty. Dennis Pulma, executive clerk of court ng Sandiganbayan 3rd Division, bukod kay Enrile, kabilang sa ipinaaaresto ng anti-graft court sina Atty. Gigi Reyes, na nahaharap sa 15 counts of graft, Janet Lim-Napoles, John Lim at iba pa.

Nilinaw ni Pulma na mula sa 49 na akusado sa kasong graft, 12 ang hindi binigyan ng arrest warrant dahil sa kakula­ngan ng ebidensya. Anya, naghain na ng kanilang piyansa ang  11 sa mga inaakusahan kaugnay ng kaso.

Matatandaan na no­ong Biyernes, Hulyo 4, unang naglabas ang Sandiganbayan ng warrant of arrest laban kay Enrile, Reyes, Napoles at dalawa pa para sa kanilang kasong plunder.

ANYA

AYON

BIYERNES

DENNIS PULMA

ENRILE

GIGI REYES

JANET LIM-NAPOLES

JOHN LIM

JUAN PONCE ENRILE

SANDIGANBAYAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with