DAP nilustay 5 senador iimbestigahan ng NBI
MANILA, Philippines - Magsasagawa ng imbestigasyon ang National Bureau of Investigation (NBI) laban sa limang Senador na posible umanong nilustay ang bahagi ng Disbursement Acceleration Program (DAP) na inilaan sa kanila.
Sinabi ni Justice Sec. Leila de Lima, partikular na tututukan sa nasabing pagsisiyasat ang DAP Fund na nailaan sa limang senador na hindi pa tinutukoy ang mga pangalan.
Ito ay kasunod na rin ng ulat na P475-milyon na halaga ng DAP Fund na inilaan sa ilang senador ay nalustay din sa pamamagitan ng mga Non-Government Organization (NGO) na konektado sa itinuturong mastermind ng pork barrel scam na si Janet Lim Napoles.
Una nang tinukoy ni Atty. Raji Mendoza, abogado ni Benhur Luy, na magsusumite ang kanyang kliyente ng affidavit para idetalye ang naging transaksyon ni Napoles kaugnay sa DAP Fund.
Nagawan umano ni Napoles ng paraan na maidaan ang pondo sa National Livelihood Development Corporation (NLDC) papunta sa kanyang NGO.
Matatandaang idineklara ng Korte Suprema kamakailan na unconstitutional ang paggamit ng DAP ng pamahalaan.
- Latest