Bitay kinontra
MANILA, Philippines - Iginiit ng Department of Justice ang pagtutol nito sa pagbalik ng parusang bitay sa pagsasabing walang anumang nagiging positibong epekto sa pag-iwas sa krimen ang pagbabalik ng parusang kamatayan.
Taliwas sa paniniwalang matatakot ang mga kriminal sa pagbuhay sa parusang bitay, ipinalalagay ng DOJ na hindi makakapagpababa sa bilang ng mga krimen ang pagbalik ng parusang kamatayan.
“Hindi katarungan ang katarungang pumapatay. Walang epekto laban sa krimen ang pagpapatupad ng parusang bitay. Hindi rin nito nalulunasan ang sugat na dulot ng krimen sa biktima at pamilya nito,” sabi pa sa pahayag ng DOJ.
Sa kabilang dako, kinikilala ng DOJ na ang pagtataguyod sa karapatang pantao ay mahalagang sangkap para matamo ang isang national drug control regime.
- Latest