^

Bansa

Bagyo darating

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Papasok ngayong araw ng Linggo ang isang bagyo sa Philippine Area of Responsi­bility (PAR).

Ayon kay Aldczar Aurelio, weather forecaster ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Service Administration, papa­ngalanang Florita ang naturang bagyo kapag pumasok sa bansa.

Kahapon, huling na­mataan ang sama ng panahon sa layong 1,410 kilometro mula sa silangan hilagang silangan ng Virac, Ca­tanduanes.

Sinabi ni  Aurelio na papasok lamang ang bagyo sa PAR pero hindi naman ito  tatama sa kalupaan ng bansa pero maaari anya itong palakasin ng habagat na siyang magpapaulan sa bansa.

Patuloy naman anyang umiiral ang habagat sa Southern Luzon hanggang Mindanao kaya inaasahan na ang mga pag-uulan sa mga lugar na ito gayundin sa Bicol region at MiMaRopa areas.

Banayad naman hang­gang sa paminsan minsang pag-ulan ang ma­raranasan sa Metro Manila dahil sa epekto ng habagat.

 

ALDCZAR AURELIO

AURELIO

AYON

BANAYAD

BICOL

METRO MANILA

PHILIPPINE AREA OF RESPONSI

PHILIPPINE ATMOSPHERIC GEOPHYSICAL AND ASTRONOMICAL SERVICE ADMINISTRATION

SOUTHERN LUZON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with