Gigi Reyes sumuko na
MANILA, Philippines – Sumuko na ang dating chief of staff ni Senador Juan Ponce Enrile matapos iutos ng Sandiganbayan ngayong Biyernes ang pag-aresto sa mga sangkot sa pork barrel scam.
Nagtungo sa Office of the Sheriff ng anti-graft court si Atty. Gigi Reyes, ilang oras matapos magdesisyon ang third division.
Nahaharap si Reyes sa kasong plunder dahil sa pakikipagsabwatan sa itinuturong utak ng pork barrel scam na si Janet Lim-Napoles.
Kaugnay na balita: Enrile pinaaaresto na ng Sandiganbayan
Pinaaaresto rin ng korte si Enrile at sina Ronald John Lim, at John Raymond de Asis.
- Latest