Motion for bail ni Jinggoy diringgin ng Sandiganbayan
MANILA, Philippines - Pumayag ang Sandiganbayan na dinggin na ang petisyon ni Senador Jinggoy Estrada na makapagpiyansa para sa kasong plunder kaugnay ng pork barrel scam.
Nakatakda ang pagdinig ng Fifth Division na pinamumunuan ni Associate Justice Roland Jurado sa Hulyo 8, 15, 22 at 29.
Sa isinagawang oral arguments ngayong Biyernes, hiniling ng kampo ni Estrada sa korte na makakuha ng mga pangalan ng tatayong testigo ng Office of the Special Prosecutors.
Sumagot naman ang piskal na si Danilo Lopez at sinabing hindi pa nila naihahanda ang mga testigo dahil katatanggap lamang nila ng kopya ng petisyon ng senador.
Dahil dito ay isang field investigator ng Office of the Ombudsman muna ang kanilang ihaharap sa unang araw ng pagdinig ng kaso.
Bukod sa kasong pandarambong, nahaharap din si Estrada sa 11 counts ng graft.
- Latest