^

Bansa

Pinas at Vietnam nagkasundo vs harassment sa South China Sea

Ellen Fernando - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Upang mapatatag ang relasyon sa pagitan ng Pilipinas at Vietnam na kapwa hina-harass ng China, bumisita si Fo­reign Affairs Secretary Albert del Rosario sa Hanoi upang makipagpulong kay Deputy Minister at Foreign Minister Pham Binh Minh.

Sa statement ng DFA kahapon, tinalakay ng dalawang opisyal ang mga hakbang upang lalong mapalawig ang koope­rasyon sa hanay ng fishe­ries, ocean at maritime, depensa at seguridad, kalakalan at pamumuhunan.

Nagkasundo rin ang magkabilang panig na pagtutuunan at sosolusyunan ang tensyon sa South China Sea sa pama­ma­gitan ng mapayapang pamamaraan at hakbang na naaayon sa inter­national laws partikular ang United Nations on the Law of the Sea (UNCLOS).

Tinitingnan na ng Vietnam ang posibilidad nang paghahain ng kaso laban sa China dahil sa panggigipit o panghihimasok sa kanilang teritoryo.

Nanawagan din ang magkabilang panig para sa pagpapatupad ng Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea at iwasan ang paggamit ng dahas.

Nauna rito, bumisita ang Vietnamese counterpart ni del Rosario at binanggit na kanilang hahamunin ang China sa international tribunal dahil sa pinalawak na claim sa South China Sea kung saan sinakop din nito ang teritoryo ng Vietnam at Pilipinas.

Bukod sa pangha­haras ng China sa Pilipinas, patuloy din na nakararanas ng panggigipit ang mga barko ng Vietnam na ilang beses binangga ng barko ng China.

Sa kasong inihain ng Pilipinas laban sa China, hiniling ng arbitral tribunal na magpasa ang China ng counter memorial bilang sagot sa memorial na isinumite ng Pilipinas subalit ibinasura ang nasabing kahilingan at iginiit ng China na “indisputable” at sakop nila ang West Philippine Sea. 

 

vuukle comment

AFFAIRS SECRETARY ALBERT

CHINA

CONDUCT OF PARTIES

DEPUTY MINISTER

FOREIGN MINISTER PHAM BINH MINH

LAW OF THE SEA

PILIPINAS

SHY

SOUTH CHINA SEA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with