^

Bansa

SSS branch sa Batanes, itinayo

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Maseserbisyuhan na ng Social Security System (SSS) ang mga katutubong Ivatan at iba pang residente mula sa malalayo at liblib na lugar sa Batanes 

Ito ay bunga ng ginawang pagbubukas ng SSS  sa Batanes Ser­vice Office para maabot ang serbisyo ng ahensiya sa mga residente.

 “The SSS, in partnership with the local go­vernment, has increased its presence in Batanes --- the country’s northernmost province --- by setting up an SSS Ser­vice Office at the Provincial Capitol Building in Basco. It is the first-ever SSS office established in this island province,” pahayag ni Josie Magana, SSS vice president for Luzon Operations.

 “The Ivatans used to wait for the monthly visit of the field representative from the SSS Tuguegarao branch in Caga­yan province to transact with SSS. The faster but  much pricier alternative is taking a flight to Tuguegarao City since only cargo ships ply the route between Batanes and Cagayan. These barriers to SSS are effectively addressed by having a Service Office right in their own province,” dagdag pa ni Magana.

Ang Batanes Ser­vice Office ay bukas mula Lunes hanggang Biyernes mula alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon.

Kabilang sa serbisyo ang maibibigay ay ang pag-isyu ng SSS  numbers at SSS forms, receipt at proseso ng  sa­lary loan applications, compliance ng  Annual Confirmation of Pensio­ners program, SSS Web assistance, verification ng membership records at application status.

Tatanggap din ang Batanes SO ng mga requests para sa pagtatama at pag-update ng mga miembro at employer data,  maternity notifications at  collection lists.

Patuloy ding tumatanggap ng PNB at Land Bank ng SSS contributions at loan payments sa lalawigan.

Sa kasalukuyan ay umaabot sa 400 registered members ang SSS sa  Batanes.

ANG BATANES SER

ANNUAL CONFIRMATION OF PENSIO

BATANES

BATANES AND CAGAYAN

BATANES SER

JOSIE MAGANA

LAND BANK

SSS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with