^

Bansa

DAP transaksiyon, bubusisiin ng Ombudsman

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Bubusisiin ng tanggapan ng Ombudsman ang mga transaksiyon sa pamahalaan na nasa ilalim ng DAP.

Bumuo ng isang panel ng imbestigador si  Ombudsman Conchita Carpio Morales upang suriin ang mga  DAP transactions sa gobyerno upang malaman kung may nagawang pagkakasala sa batas ang mga isinasangkot na opisyal ng pamahalaan hinggil dito.

“In light of the Supreme Court’s Decision on the DAP case, we are initiating an investigation into the matter,” pahayag ni Morales .

Sa ilalim anya ng Republic Act (RA) No. 6770 (Ombudsman Act of 1989),ang Ombudsman ay maaaring magsagawa ng sariling imbestigasyon o tinatawag na  motu proprio  sa isyu kahit na walang sinuman ang nagsasampa sa ahensiya ng kaso.

Ang batas din ay nagbibigay ng kapangyarihan sa Ombudsman na busisiin ang anumang serious misconduct sa alinmang sangay ng pamahalaan na kinasasangkutan ng mga  impeachable officers pero ito ay para lamang maberepika ng ahensiya na ito ay may balidong rason para sa impeachment.

BUBUSISIIN

BUMUO

OMBUDSMAN

OMBUDSMAN ACT

OMBUDSMAN CONCHITA CARPIO MORALES

REPUBLIC ACT

SUPREME COURT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with