Youth exchange opportunities palalakasin DepEd at JICE nagsanib
MANILA, Philippines - Nagsanib na ng puwersa ang Department of Education (DepEd) at Japan International Cooperation Center para lalo pang palakasin ang sistema ng edukasyon sa dalawang bansa sa pamamagitan ng ‘Youth exchange Opportunities’.
Ayon sa DepEd, tatanggap na sila ng nominasyon para sa all-expense paid exchange program para sa mga public school students sa Japan para sa school year 2014-2015.
Nabatid na ito’y sa ilalim ng Japan East-Asia Network for Students and Youths (JENESYS 2.0) na isang programa ng Japanese government na naglalayong palaganapin ang pag-unawa sa Japanese culture at values sa pamamagitan ng youth exchange programs.
Ngayong taon ay tatanggap ng kabuuang 184 students at 16 supervisors na mananatili sa Japan at ang aplikasyon ay nationally screened at ranked.
Ang mga interesadong student applicants ay kinakailangang nasa pagitan ng 15 to 18 years old, bonafide Filipino citizen na nag-aaral sa public high school.
Ang mga interesadong supervisor applicants naman ay kinakailangang bonafide Filipino citizen, na hindi hihigit sa 50-anyos, walang criminal o unfavorable disciplinary cases na kinakaharap. Ang mga aplikanteng matatanggap ay ii-screen per division, region at national.
- Latest