Bong, Jinggoy pinalilipat ng kulungan
MANILA, Philippines - Nagkaisa kahapon ang mga detainees ng PNP Custodial Center sa Camp Crame matapos na magsumite ng manifesto upang alisin na sa nasabing detention facility at ilipat na ng kulungan sina Sen. Ramon “Bong” Revilla at Sen. Jinggoy Estrada.
Sa inilabas na sulat kamay na manifesto na nilagdaan ng 58 bilanggo sa PNP Custodial Center, sinabi ng mga ito na hindi nila matanggap na masisibak na si Supt. Mario Malana dahilan sa dalawang Senador.
Ayon sa mga ito, isang dekada na ang pamamahala sa selda ni Malana at naging maayos naman ang pamamalakad nito.
“Hindi nakalulutas ng problema ang pagpapalit ng wardern dahilan ang problema ay ang dalawang Senador na nakakulong dito. Ang tunay na solusyon ay ang paglilipat sa dalawang Senador sa kulungang akma sa kanila”, ayon pa sa manifesto ng 58 detainees.
Bukod dito ay masyado umanong maingay dahilan sa sobrang dami ng bisita nina Jinggoy at Bong at nabubulabog sila.
- Latest