Oil price hike sumalubong ngayong Hulyo
MANILA, Philippines - Hindi maganda ang pagpasok ng buwan ng Hulyo para sa mga tsuper matapos muling magtaas ang presyo ng petrolyo ngayong Martes.
Nagpatupad ng P0.45 na dagdag presyo kada litro ang Petron, Shell, Seaoil, Phoenix Petroleum at PTT sa kanilang mga gasolina ganap na alas -6 ng umaga.
Nagtaas din ang mga kompanya ng langis ng P0.10 sa kada litro ng diesel.
Hindi naman gumalaw ang halaga ng kerosene.
Ang panibagong pagtataas ng halaga ng petrolyo ay bunsod pa rin ng paggalaw ng presyo sa pandaigdigang merkado.
- Latest