PNoy mangunguna sa 67th PAF anniversary
CLARK AIR BASE, Angeles City – Pangungunahan ngayon ni Pangulong Benigno Aquino III ang pagdiriwang ng ika-67 taong anibersaryo ng Philippine Air Force (PAF).
Ayon kay Air Force commanding general Maj. Gen. Jeffrey Delgado, ihaharap nila kay Pangulong Aquino ang apat na bagong UH-1 Huey helicopters na bahagi ng modernization program ng PAF.
Wika pa ni Gen. Delgado, ipaparada sa harap ni Pangulong Aquino sa ika-67 taong anibersaryo ng PAF ang mga modernong kagamitan nito na natupad sa ilalim ng pamumuno ni PNoy kabilang ang 4 na bagong Huey choppers.
Sinabi naman ni Defense Sec. Voltaire Gazmin, bago matapos ang buwang ito ay inaasahang darating pa ang karagdagang 3 UH-1 Huey choppers na magagamit din ng Sandatahang Panghimpapawid sa kanilang rescue missions sa tuwing may kalamidad.
Ayon kay Sec. Gazmin, kabuuang 21 UH-1 Huey choppers ang binili ng gobyerno at gagamitin ito para sa combat, security at utility at transport capability ng PAF gayundin sa rescue missions lalo sa oras ng kalamidad.
- Latest