^

Bansa

Deployment ban sa Iraq ipinatupad ng POEA

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ipapatupad ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ang deployment ban ng mga newly hired Overseas Filipino Workers (OFWs) sa Kurdistan area sa Iraq.

Ayon kay POEA Administrator Hans Leo Cacdac, tigil muna ang pagproseso ng mga dokumento at pagpapadala ng mga OFWs sa Iraq Kurdistan region makaraang muling tumaas at lumawak ang banta ng kaguluhan sa nasabing bansa.

Sinabi ni Cacdac, ipinatupad ng POEA Gover­ning Board ang deployment ban ng mga OFWs dahil itinaas ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang crisis alert level 2 sa nasabing bansa.

Aniya, nangangahulugan na ‘restriction phase’ na ang alert level 2 at kailangan ng mag-ingat  ang mga Pinoy sa Iraq Kurdistan region.

Sa record ng POEA, may 75 OFWs na nagtatrabaho ngayon sa Kurdistan region na pinapayuhang huwag munang lumabas sa mga pampublikong lugar sa halip ay  gumawa ng ‘extra precaution’ o karagdagang pag-iingat para sa kanilang kaligtasan habang nananatili pa ang banta ng kaguluhan sa rehiyon bunsod ng pag-aalburoto ng mga rebeldeng Iraqis laban sa kanilang pamahalaan.

vuukle comment

ADMINISTRATOR HANS LEO CACDAC

ANIYA

AYON

CACDAC

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

IRAQ KURDISTAN

OVERSEAS FILIPINO WORKERS

PHILIPPINE OVERSEAS EMPLOYMENT ADMINISTRATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with