^

Bansa

Mosyon para amyendahan ang plunder, graft ni Jinggoy binawi ng Ombudsman

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Binawi ng tanggapan ng Ombudsman ang mos­yon nitong amyendahan ang information sheet sa naisampa nitong rekla­mong plunder at graft laban kina Senador Jinggoy Estrada, Janet Napoles at iba pang akusado sa pork barrel scam.

Ito’y matapos sabihin ni Sandiganbayan Fifth Division Associate Justice Roland Jurado na kung tatanggapin ng graft court ang pag-amyenda sa information sheet sa mga naisampang kaso sa mga nabanggit ay maaaring makalaya ang mga ito mula sa kanilang pagkakapiit.

Sa isinagawang pag­dinig kahapon, kinuwes­tyon naman ni Associate Justice Alexander Gesmundo kung bakit tinangka ng Ombudsman na palitan ng “collaboration” ang salitang “conspiracy” patungkol sa mga akusado.

Giit ng mga mahis­trado, magkaiba ang kahulugan ng dalawang salita, pero pinanindigan ng prosekus­yon na magkapareho lamang ito.

Wala sa inihaing amen­ded information ang salitang “conspiracy” na nasa orihinal namang reklamo.

Dahil sa pagbawi sa hirit na pag-amyenda, tuloy na sa Lunes, Hunyo 30 alas 8:30 ng umaga ang pagbasa ng sakdal ng Sandiganbayan kay Estrada, Napoles at iba pa.

 

ASSOCIATE JUSTICE ALEXANDER GESMUNDO

BINAWI

DAHIL

GIIT

HUNYO

JANET NAPOLES

SANDIGANBAYAN FIFTH DIVISION ASSOCIATE JUSTICE ROLAND JURADO

SENADOR JINGGOY ESTRADA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with