^

Bansa

Mas malakas na lindol paghandaan

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kasunod ng naganap na lindol kamakalawa ng gabi sa ilang bahagi ng Luzon na naramdaman din sa Metro Manila, mu­ling iginiit ni Sen. Loren Legarda na dapat paigtingin pa ng gobyerno ang earthquake preparedness dahil posibleng maganap na naman ito ng walang warning o senyales.

Ayon kay Legarda, maraming mamamayan ang nakaramdam ng lindol kamakalawa ng gabi at dapat lamang na pag­handaan ang posibleng pagtama ng nasa 7.2 magnitude na lindol.

Nilinaw ni Legarda na hindi isang pananakot ang posibilidad na magkaroon ng mas malakas na lindol lalo pa’t sinasabing ‘hinog’ na ang tinatawag na Marikina valley fault line.

“Many citizens even in Metro Manila felt the strength of the earthquake yesterday. We do not want to sow fear among our citizens but we have to constantly remind everyone to prepare for earthquakes because we cannot predict when they will occur. We should at least be ready for a 7.2 magnitude earthquake,” ani Legarda.

Ipinaalala rin ni Legarda ang 2004 Metro Manila Earthquake Impact Reduction Study (MMEIRS) kung saan nagbabala na 7.2 magnitude earthquake ang posibleng maganap sa Metro Manila.

Tinatayang aabot umano sa 40% ng mga residential buildings ang posibleng masira at nasa 34,000 ang mamatay bukod pa sa 114,000 mamamayan ang po­sibleng masugatan.

Ngayon pa lang anya ay dapat ng magsagawa ng “retrofitting” ng mga gusali at regular safety drills.

 

AYON

IPINAALALA

KASUNOD

LEGARDA

LOREN LEGARDA

LUZON

METRO MANILA

METRO MANILA EARTHQUAKE IMPACT REDUCTION STUDY

NGAYON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with