^

Bansa

Bong ‘no plea’ sa arraignment

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tumangging magpasok ng anumang plea sa Sandiganbayan si Se­nador Bong Revilla nang basahan ng sakdal kahapon sa kanyang arraignment sa pork barrel scam case.

Mismong ang Sandiganbayan First Division na lamang ang nagpasok ng not guilty plea sa korte para kay Revilla kaugnay ng kinakaharap na kasong plunder at graft na may kinalaman sa umano’y mahigit P200 milyong kickback gamit ang kanyang PDAF sa pamamagitan ng pekeng NGO ng negosyanteng si Janet Lim-Napoles.

Nagpasok naman ng not guilty plea sa kasong plunder at graft sina Napoles at staff ni Revilla na si Atty. Richard Cambe, gayundin si TRC Director Gen. Dennis Cunanan na pawang akusado sa naturang kaso.

Not guilty plea rin ang ipinasok ng iba pang tauhan ng TRC kabilang sina Maria Rosalinda Lacsamana, Marivic Jover, Eulogio Rodriguez at iba pa.

Bunga nito, nanganga­hulugan na tuloy na ang paglilitis sa kanila ng Sandiganbayan.

Umaabot sa 23 akusado sa naturang kaso ang isinailalim sa arraignment ng Sandiganbayan at habang 10 pang akusado ang pingahahanap.

Pasado alas 8:40 ng umaga kahapon nang simulan ni Sandiganba­yan 1st Division Chairman Associate Justice Efren dela Cruz ang pagbasa ng sakdal sa mga nabanggit na akusado.

Ilang mga persona­lidad din ang nagtungo sa Sandiganbayan bilang suporta sa mga akusado partikular ang maybahay ni Revilla na si Rep. Lani Mercado Revilla.

Agad naman naibalik sina Revilla at Cambe sa PNP Custodial Center at si Napoles sa Fort Sto. Domingo sa Laguna.

BONG REVILLA

CUSTODIAL CENTER

DENNIS CUNANAN

DIRECTOR GEN

DIVISION CHAIRMAN ASSOCIATE JUSTICE EFREN

EULOGIO RODRIGUEZ

FORT STO

REVILLA

SANDIGANBAYAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with