^

Bansa

Mapa ng Tsina 'drawing' lang – Malacañang

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Minaliit ng Palasyo ang mapang inilabas ng Tsina kung saan sakop nito ang pinag-aagawang teritoryo ng Pilipinas at ng iba pang bansa.

Sinabi ni Presidential Communications Operations Office head Herminio Coloma Jr. na hindi naman sinusunod ng United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).

"Claims to maritime entitlements in the South China Sea or West Philippine Sea... Hindi naman pwedeng ibatay sa drawing," wika ni Coloma.

Pinuna rin ni Coloma ang pagbabago sa mapa na may 10-dash line.

"Noong panahon ng nakaraang rehimen sa Tsina, yung Chiang Kai-Shek regime, 11-dash line dati 'yun. 'Yung 11 naging nine. Tapos ngayon 10. Pero sa kabuuan, to put it simply, dino-drawing lang nila 'yun," dagdag ni Coloma.

Ang Hunan map publishing house ang naglabas ng bagong mapa na sinakop na ang kabuuuang Spratly Islands.

Sinabi naman ni China Foreign Ministry Spokesperson Hua Chunying na hindi huwag i-'over-read' ang bagong mapa.

"[T]here is no need to over-read it (new map). Chinese government's position on the South China Sea is consistent, clear and free of any change," banggit ni Hua.

Naghain na ng arbitration case ang Pilipinas laban sa China matapos magtayo ng mga impastraktura ang Tsina sa pinag-aagawang teritoryo.

Iginiit din ng tagapagsalita na idaraan pa rin ng Pilipinas ang laban sa mapayapang pamamaraan.

"Patuloy pa rin naman tayo sa ating adhikain na kinakailangnag maging mapayapa at alinsunod sa mga prosesong diplomatiko at legal ang dapat na umiral sa mga usaping 'yan.”

ANG HUNAN

CHIANG KAI-SHEK

CHINA FOREIGN MINISTRY SPOKESPERSON HUA CHUNYING

COLOMA

HERMINIO COLOMA JR.

LAW OF THE SEA

PILIPINAS

PRESIDENTIAL COMMUNICATIONS OPERATIONS OFFICE

SOUTH CHINA SEA

TSINA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with