^

Bansa

'Not guilty' ipinasok ng Sandiganbayan para kay Bong

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Hindi naghain ng plea si Senador Ramon "Bong" Revilla Jr. ngayong Huwebes matapos basahan ng sakdal sa Sandiganbayan.

Sa halip ay si First Division Chairman Associate Justice Efren dela Cruz na ang naghain ng not guilty plea para sa senador.

Nahaharap si Revilla sa kasong pandarambong at 16 kaso ng graft dahil sa pagbubulsa umano ng bahagi ng kanyang Priority Development Assistance Fund sa pamamagitan ng pagpapasok nito sa mga pekeng non government organizations ni Janet Lim-Napoles.

Samantala, nagpasok naman ng not guilty na pleading si Napoles at Richard Cambe, ang senior staff ni Revilla sa Senado.

Nahaharap rin sa parehong kaso sina Senador Jinggoy Estrada at Juan Ponce Enrile.

Kasalukuyang nakakulong sina Revilla at Estrada sa Philippine National Police Custodial Center sa Camp Crame Quezon City.

CAMP CRAME QUEZON CITY

FIRST DIVISION CHAIRMAN ASSOCIATE JUSTICE EFREN

JANET LIM-NAPOLES

JUAN PONCE ENRILE

NAHAHARAP

PHILIPPINE NATIONAL POLICE CUSTODIAL CENTER

PRIORITY DEVELOPMENT ASSISTANCE FUND

REVILLA

REVILLA JR.

RICHARD CAMBE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with