Labis na importasyon, smuggling sinisi sa tumataas na presyo ng pagkain
MANILA, Philippines - Sinisi ng Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) ang mga smugglers, mapagsamantalang negosyante, pro-importation lobbyists at ang mahabang panahong pagpapabaya sa sektor ng agrikultura sa walang habas na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin.
Ayon sa grupo, ang mga lokal na magsaÂsaka ng bawang ay pilit umaahon mula sa 20 taong pagpapabaya at smuggling at kawalang ng suporta sa lokal na produksyon. Dahil 15 porsyento na lang ng paÂngangailangan ng bansa ang kayang tugunan ng lokal na bawang, mga importers at smugglers na ang nagdidikta ng presyo, ayon sa SINAG.
“Ang biglang pagtaas ng presyo ng bawang ay ‘di aksidente. Ito’y bunga ng matagal na panahong pagpapabaya at maling pagsandal sa importasyon at smuggling upang tugunan ang paÂngangailan sa pagkain ng bansa,†ani SINAG Chair Rosendo So.
Sinabi ni So na bagamat mababa ang presyo ng smuggled na pagkain dahil ‘di ito nagbabayad ng buwis, pinapatay naman nito ang mga Pilipinong sakahan. “Kapag lugmok na ang local producers at may monopolyo na ang mga importers, smugglers at mapagsamantalang mangangalakal, sila nga ngayon ang magdidikta ng presyo. Yan ang maÂlinaw na nangyari sa kaso ng bawang,†diin niya.
At dahil walang paÂngontra sa tumataas na presyo ng smuggled at imported na bawang, sumipa ang presyo nito sa lokal na pamilihan, dagdag pa ni So.
Sa kabila ng mga repormang pinatutupad ng administrasyong Aquino, sinabi ng SINAG na ito’y hindi pa sapat upang iahon ang sektor pansakahan sa mahabang panahon ng pagpapabaya.
“Tulad ng mga reporma sa bigas at livestock sector, kasiguruhan sa supply ng pagkain o food security ang dapat pagsimulan ng anumang programa ng pamahalaan para sagipin ang industriya ng bawang. Lokal na produksiyon din ang susi sa tunay kasiguruhan sa supply ng pagkain o food security, diin ni So.
Nanawagan ang grupo sa mga mamimili na tangkilikin ang lokal na bawang at iba pang local agricultural proÂducts upang suportahan at pasiglahin ang agrikultura sa bansa.
- Latest