‘Contaminated heparin’ sanhi ng panginginig ng mga pasyente sa NKTI
MANILA, Philippines - Natukoy na ng Food and Drug Administration na ang ‘contaminated heparin’ ang sinasabing sanhi ng panginginig ng may 44 pasyente sa National Kidney and Transplant Institute noong Mayo.
Ang Heparin ay isang sodium solution na ginagamit sa dialysis machines upang mapigilan ang blood clots sa mga pasyente na sumasailim sa dialysis.
Bagama’t tumanggi si Health Sec. Enrique Ona na ibunyag ang pangalan ng manufacturer at distributor ng gamot dahil sa isinasagawang imbestigasyon, tiniyak ng kalihim na parurusahan din ang manufacturer at distributor. Sinabi rin ni Ona na wala naman nang kaso ng panginginig ng mga pasyente nang muling buksan ang NKTI’s outpatient hemodialysis unit noong Hunyo 9.
Matatandaan na isinara ang NKTI’s out-patient Hemodialysis Center noong Mayo nang makaranas ng panginginig ng sabay-sabay ang 44 pasyente.
Pinabawi na rin ng FDA sa merkado ang Heparin Sodium 1000 IU/ml solution for injection, na galing sa India at gamot sa blood clot.
Hindi muna ito papayagang makapasok sa bansa hangga’t hindi inaalis ng FDA at Pharma-Surey International Inc, ang quality hold.
- Latest