^

Bansa

SC ruling sa DAP inaabangan ng Palasyo

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hinihintay na ng Palasyo ang magiging ruling ng Supreme Court sa legalidad ng kontrobersyal na Disbursement Acceleration Program (DAP).

Ayon kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda, mahusay namang naipagtanggol ni Solicitor General Francis Jardeleza ang nasabing kaso sa Korte Suprema.

Inihayag pa ni Lacierda na pinaghahandaan na ng Solicitor General ang desisyon ng Korte Suprema sa DAP sakaling hindi ito pabor sa Palasyo.

Aniya, pawang espekulasyon pa lang ang lumalabas na ulat na idedeklara ng Supreme Court sa  July 1 na illegal ang paggamit ng pondo ng Malakanyang sa ilalim ng DAP. Mas mainam anyang hintayin na lang muna ang desisyon ng Korte Suprema.

Magugunitang kinuwestiyon ng ilang grupo sa Korte Suprema ang legalidad ng DAP matapos mabuking na ginamit na pangsuhol ng Palasyo sa mga senator-judge para sa pagpapatalsik kay dating Chief Justice Renato Corona.

ANIYA

AYON

CHIEF JUSTICE RENATO CORONA

DISBURSEMENT ACCELERATION PROGRAM

KORTE SUPREMA

PALASYO

PRESIDENTIAL SPOKESMAN EDWIN LACIERDA

SOLICITOR GENERAL

SOLICITOR GENERAL FRANCIS JARDELEZA

SUPREME COURT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with