Live coverage sa ‘pork’ inisnab
MANILA, Philippines - Inisnab ng Sandiganbayan ang mga request na live media coverage sa isasagawang court proceedings ng graft court sa mga inaakusahan kaugnay ng pork barrel scam cases.
Ang abiso ay inilabas, isang araw bago ang nakatakdang arraignment ng Sandiganbayan 1st division ngayong Huwebes, Hunyo 26 sa plunder case ni Sen. Bong Revilla at iba pang akusado kaugnay ng kaso.
Ayon kay Atty. Renato Bocar, executive clerk of court ng Sandiganbayan, mahigit sa 20 katao lamang ang maaaring ma-accomodate sa loob ng courtroom ngunit hindi rin papayagan ang mga ito na gumamit ng mga electronic gadget, tulad ng cellphones at radio communication sa panahon ng paglilitis.
Nilinaw naman ng anti-graft court na hindi nila itiÂnatago ang court proceedings kundi nais lang nilang sundin ang mga patakaran ng Sandiganbayan.
Ang mga ibig umanong humiling ng live broadcast ay maaaring mag-apply sa Korte Suprema.
- Latest