^

Bansa

Murang bilihin sa QC isusulong ni Joy B

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagkapit-bisig ang pamahalaang lungsod Quezon at ang Department of Agriculture (DA) para direktang maiparating sa mga taga-lungsod ang mas murang mga paninda at iba pang prime commodities.

Ang hakbang ay ipatutupad sa ilalim ng ‘Farmer-to Consumer program’ makaraan ang isinagawang emergency meeting ng Local Price Coordinating Council (QCPCC) na pinangunahan ni QC Vice  Mayor Joy Belmonte na naglalayong protektahan ang mga mamimili mula sa mga mapagsamantalang negosyante at  price manipulators.

Sa pamamagitan ng naturang programa, ang mga mamimili ng QC ay magkakaroon ng direct access na makabili ng mas murang agricultural products tulad ng sibuyas, bawang, bigas at iba pa at tuloy maglalaho ang mga middlemen na siyang ugat ng pagtaas ng mahal na presyo ng mga bilihin sa ngayon.

Para sa tagumpay ng programang ito, ang DA at ang Department of Trade and Industry (DTI) ay patuloy ang koordinasyon sa Barangay Operations Center and Market Development, gayundin sa Administration Department ng QC para sa pagtukoy ng mga lugar sa lungsod kung saan maibebenta ang mga murang paninda partikular sa QC hall, mga barangay at rol­ling stores.

Ang City Treasurer’s Office naman kasama ang MDAD ay nagkasundong magsagawa ng pagsasara sa mga establisimentong may depektibo at sirang mga timbangan.

Ayon kay Assistant Treasurer Arvin Gotladera may 100 madadayang timbangan na ang kanilang nakum­piska noong nakaraang linggo.

vuukle comment

ADMINISTRATION DEPARTMENT

ANG CITY TREASURER

ASSISTANT TREASURER ARVIN GOTLADERA

BARANGAY OPERATIONS CENTER AND MARKET DEVELOPMENT

DEPARTMENT OF AGRICULTURE

DEPARTMENT OF TRADE AND INDUSTRY

LOCAL PRICE COORDINATING COUNCIL

MAYOR JOY BELMONTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with