^

Bansa

Iregularidad sa administrasyon huwag itago sa PDAF scam

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinaalalahanan ng Makabayan bloc sa Kamara ang Malakanyang na hindi dapat gamitin ang pag-aresto sa mga kinasuhan sa pork barrel scam upang mapagtakpan ang mga sariling iregularidad ng administrasyon.

Ayon kay Bayan Muna Reps. Neri Colmenares at Carlos Isagani Zarate at Gabriela Rep. Luzvi­minda Ilagan, na hindi dapat magamit ng administrasyon ang mga kaso na may kaugnayan sa pork barrel scam para itago ang iregularidad at kapabayaan nito.

Kabilang na umano dito ang isang trilyong pork barrel o lump sum na pondong nasa diskresyon ni Pangulong Aquino, kasama na ang Malampaya fund, special purpose fund, President’s social fund, road users fund at intelligence fund.

Bukod pa dito ang kontrobersyal na Disbursement Acceleration Program (DAP) na sinasabing  ipinanuhol ng palasyo sa mga senador at kongresista kapalit ng impeachment ni dating Chief Justice Renato Corona.

Giit pa ng mga mam­babatas, hindi rin dapat kalimutan ng publiko na hanggang ngayon ay na­nanatiling ‘untouchable’ ang mga kaalyado ng Pangulo na idinawit direkta ni Janet Lim Napoles na sina Budget Secretary Butch Abad at Agriculture Secretary Proseso Alcala.

Hindi rin umano dapat kaligtaan ang kapaba­yaan ng administrasyon sa paghihirap ng publiko dahil sa kaliwat kanan na pagtataas ng presyo ng bilihin sa kabila ng pagkakaaligaga ng lahat at ng gobyerno sa pork barrel scam cases.

 

vuukle comment

AGRICULTURE SECRETARY PROSESO ALCALA

BAYAN MUNA REPS

BUDGET SECRETARY BUTCH ABAD

CARLOS ISAGANI ZARATE

CHIEF JUSTICE RENATO CORONA

DISBURSEMENT ACCELERATION PROGRAM

GABRIELA REP

JANET LIM NAPOLES

NERI COLMENARES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with