^

Bansa

'Kung maaari ako na lang ikulong, 'wag na yung anak ko' – Erap

AJ Bolando - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Kung bibigyan ng pagkakataon, walang pag-aatubiling makikipagpalit si dating Pangulo at ngayo'y Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada sa kanyang anak na si Senador Jinggoy Estrada na ikinulong ngayong Lunes.

Sinamahan ni Estrada ang kanyang anak na sumuko sa Philippine National Police matapos ilabas ng Sandiganbayan ang arrest warrant para sa kasong plunder at graft kaugnay ng pork barrel scam.

Nanaig ang pagiging ama ng dating Pangulo at naawa sa kanyang anak matapos makita ang kulungan ni Jinggoy sa PNP Custodial Center sa Camp Crame Quezon City.

Kaugnay na balita: Jinggoy sumuko na!

“Nakakaawa ang kalagayan ni Jinggoy doon, napakainit. Kung puwede lagyan ko ng aircon ako na magbabayad,” pahayag ni Estrada sa isang panayam sa radyo.

“Kung maaari, ako na lang ikulong nila, huwag na 'yung anak ko,” dagdad niya.

Naging pabaya

Sinabi pa ni Estrada na kinausap niya ng masinsinan ang kanyang anak ukol sa nalalaman sa pork barrel scam, ngunit iginiit ni Jinggoy na wala talaga siyang nalalaman sa mga pinaparatang sa kanya.

Kaugnay na balita: Jinggoy muling ikinasal bago makulong

“Malinis naman konsensya niya, naging careless lang na pinagkatiwala sa staff (yung mga transaksyon),” kuwento ng alkalde ng Maynila.

“Hindi niya talaga alam (na peke ang mga non-government organization ni Napoles), kung alam niya eh bakit niya gagawin yun.”

Tulad ng ipinaglalaban ng kampo ng senador, sinabi ni Estrada na dapat ibuhos ang sisi sa Department of Budget and Management na silang may reponsbilidad sa paglalabas ng pondo at pagsusuri ng pupuntaha ng pera.

Kaugnay na balita: Pag-aresto kay Jinggoy iniutos ng Sandiganbayan

“Budget secretary ang may responsibilidad niyan, hindi trabaho ng senador 'yun,” banggit ni Estrada.

Piyansa

Naniniwala si Estrada na papayag ang anti-graft court na makapagpiyansa ang kanyang anak dahil sa hina ng ebidensya laban sa kanya.

Naghain ng 10-pahinang petisyon ang kampo ni Jinggoy para sa pansamantalang kalayaan ng senador.

“Palagay ko yung bail maga-grant,” sabi ni Estrada. “Sa aking pananaw walang enough evidence pero I beileve in the justice system now i hope they will be fair.”

Kaugnay na balita: Jinggoy nais makapagpiyansa

“Mahirap mawalan ng pag-asa, 'pag nawalan pa tayo eh ay hindi na tayo uunlad sa ating bansa
wala ka nang mapapala.”

vuukle comment

CAMP CRAME QUEZON CITY

CUSTODIAL CENTER

DEPARTMENT OF BUDGET AND MANAGEMENT

ESTRADA

JINGGOY

KAUGNAY

MANILA MAYOR JOSEPH

PANGULO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with