Pag-aresto kay Jinggoy iniutos ng Sandiganbayan
MANILA, Philippines — Nakakita ng sapat na dahilan ang Sandiganbayan upang ituloy ang pagdinig sa kaso ni Senador Jinggoy Estrada na inakusahan ng Office of the Ombudsman na kumita sa pork barrel scam.
Naglabas ng resolusyon ngayong Lunes ang fifth division ng anti-graft court para sa pagbalangkas ng arrest warrant laban kay Estrada na umano'y kumubra ng P183 milyon sa paglagak ng kanyang Priority Development Assistance Funds sa mga pekeng non-government organizations ni Janet Lim-Napoles.
Ibinasura rin ng mga hukom ang motion for judicial determination ng senador kung saan humirit sila ng oral arguments sa katotohanan ng isinampa sa kanyang plunder at 11 couts ng graft.
Sa ilalabas na arrest warrant ay kasama rin ang dati niyang tauhan na si Pauline Labayen, Budget Undesecretary Mario Relampagos at iba pang opisyal ng gobyerno at mga tauhan ni Napoles.
Nauna nang sinabi ni Estrada na kusa rin siyang susuko oras na iutos ang pag-aresto sa kanya.
Inaasahang sa Philippine National Police Custodial Center din ikukulong si Estrada kasama ang nauna nang si Senador Ramon “Bong†Revilla Jr.
- Latest