15 Pinoy lumikas sa Libya
MANILA, Philippines - May 15 Pinoy ang dumating sa bansa matapos magsilikas sa Libya kasunod ng crisis alert level 3 sa nasabing bansa. Sinabi ng Department of Foreign Affairs (DFA) na ang nasabing batch ay pawang mga empleyado ng kumpanyang Hyundai E&C.
Dahil dito, umaabot na sa 147 Pinoy ang napapauwi ng pamahalaan simula nang ipatupad ang alert level 3 o voluntary evacuation sa Libya, May 310 pang OFWs ang nagpatala umano para boluntaryong umalis.
Ang alert level 3 ay itinaaas kamakailan sa Libya dahil sa patuloy na karahasan.
Patuloy na nananawagan ang DFA sa mga Pinoy sa Libya na umuwi na sa bansa at tanggapin ang alok na voluntary repatriation program kung saan popondohan ito ng pamahalaan. Nananatiling ipinagbabawal ang mga Pinoy na tumungo o magtrabaho sa Libya dahil sa nasabing alerto.
- Latest