Corrupt na pulitiko may ‘10 commandments’
MANILA, Philippines - Nagpahayag ng pagkadismaya si Most Rev. Teodoro Bacani, Jr. sa mga kinasasangkutang isyu ngayon ng mga pulitiko sa bansa kung saan tila mayroon pa silang “10 kautusanâ€.
Sa kanyang pagsasalita sa Sta. Cruz church kaÂhapon, sinabi ni Bacani na hindi na ngayon isinasaalang-alang ng mga pulitiko ang tunay na kautusan ng Panginoon at sa halip ay dinagdagan pa para sa kanilang sariling kapakanan.
Nakakalungkot anya na marami sa mga pulitiko ang pansarili lamang ang iniisip at binabalewala ang interes at kinabukasan ng kapwa.
Inilahad ni Bacani sa kanyang pagsasalita sa maraÂming Katoliko sa nasabing simbahan ang tila panuntunan o ’10 commandments’ ng mga pulitiko sa ngayon.
Kabilang dito ang 1. ‘Magpayaman Ka’, 2. ‘Huwag Kang Papahuli,’ 3. ‘Huwag Kang Aamin’, 4. ‘Huwag Makipagkompromiso’, 5. ‘Idadamay ko kayo’, 6 ‘Patayin o Sunugin’, 7. ‘Patagalin ang kaso’, 8. ‘Tumakas,’ 9. ‘Magpa-ospital’ at 10 ‘Magbaril sa sarili.’
Sinabi ni Bacani na hindi na nahihiya ang mga pulitiko na gumagawa ng pagsasamantala habang marami sa mga Pilipino ang nananatiling hirap gayundin ang mga apektado ng kalamidad na hanggang sa ngayon ay hindi pa rin nakakabangon.
Gayunman, nananawagan pa rin si Bacani sa paÂmahalaan at mga pulitiko na isaisip at isapuso ang 10 Salita ng Diyos upang hindi malihis ng landas.
- Latest