3 bisita may full acces kay Bong
MANILA, Philippines - Binigyan ng PNP ng full access sa kulungan ni Sen. Ramong “Bong†Revilla Jr. ang kanyang abogado, doktor at spiritual adviser.
Nabatid kay PNP spokesman C/Supt. Reuben Sindac na hindi limitado sa visiting days na Huwebes at Linggo at mula alas-9 ng umaga hanggang alas-3 ng hapon ang magiging pagbisita ng tatlo sa senador.
Nilinaw naman ni Sindac na kung dati ay sumosobra sa itinakdang oras ng dalaw ang pamilÂya Revilla, ngayon ay nilimitahan na ang mga ito.
Ito’y matapos mapuna ang walang limitasyon o oras ng mga taong dumadalaw sa senador simula ng ito ay madetine.
Pero sinabi ni Sindac na dapat unawain ang pamilya ng senador dahil nag-aadjust pa sila.
Pero simula anya sa linggong ito at ay wala na ang irregular visiting hours at masusunod na ang regular hours na dalaw.
Dagdag ni Sindac, kailangan anya nilang i-schedule ang pagdalaw dahil marami ang nakakulong sa custodial center kaya’t hindi maaÂring magsabay-sabay.
May visitor’s list din dapat na sinusunod ang pamilya, pero ang priority dito ay ang kanyang abogado, spiritual adviser at immediate family at ang iba ay kung sino ang gusto o nais nilang dumalaw saka iki-clear sa custodial service.
Kinumpirma rin ng opisyal ang paghingi ni Revilla ng air cooler dahil sa mainit ng selda, subaÂlit kailangan pa rin aniya ng pahintulot ng korte. Napagbigyan naman ang request ng senador ng isa pang electric fan dahil sa sobrang init.
Sa reklamo ni Bong na mga ipis at daga sa loob ng kanyang selda, humingi naman ng dispensa si Sindac.
May kalumaan na umano ang pasilidad at may on-going construction sa lugar at naghuhukay kaya nabulabog ang mga daga sa kanilang lungga.
Ginagawan na umano nila ng paraan upang mawalis ang mga peste.
Kahapon ay nagtipon sa isang fellowship ang pamilya Revilla kung saan kabilang sa bumisita sa senador ang ama nitong si dating Sen. Ramon Revilla Sr., misis na si Rep. Lani Mercado Revilla, mga anak, kaibigan sa showbiz, spiritual adviser at iba pa.
Nitong Biyernes ng umaga sumuko si Revilla sa Sandiganbayan matapos ilabas ang warrant of arrest sa kanyang kasong plunder kaugnay ng pork barrel scam.
- Latest